calvin abueva best player PBA
-- Advertisements --

Nanalo si Calvin Abueva bilang Davco-Best Player of the Conference (BPC) award sa ginaganap ngayong 2021 PBA Philippine Cup.

Nalamapasan ni Abueva ang mga karibal sa prestihiyong award ans ina Mikey Williams ng TNT, ang teammate na si Ian Sangalang, Robert Bolick ng NorthPort at si June Mar Fajardo ng San Miguel.

Ang naturang parangal ay ang conference highest individual honor kung saan iginawad sa kanya bago ginanap ang Game 4 ng Philippine Cup Finals.

Sumandal si Abueva sa kanyang natipon na statistical points ngayong conference sa bagong team niya sa Magnolia.

Una na ring nasungkit ni Calvin ang unang award noong 2016 Commissioner’s Cup ng bahagi pa siya ng Alaska.

-- Advertisement --