-- Advertisements --

Niyanig ng 6.2-magnitude na lindol ang Surigao del Sur 10:32 ng gabi ngayong Sabado, Oktubre 11.

Ayon sa inisyal na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol sa northeast ng Cagwait, Surigao del Sur.

Ito ay may lalim na 10 kilometers at ang pinagmulan nito ay tectonic — dahil nagkaroon ng biglaang paggalaw sa ilalim ng lupa sa lugar ng fault line.

Naitala ang intensity IV sa Cagwait at Carmen, Surigao del Sur; samantala, intensity III naman sa Bislig, Surigao del Sur at Mati, Davao Oriental.

Iniulat din ng PHIVOLCS ang sumusunod na instrumental intensities:

Intensity IV – Cabadbaran City, Agusan del Norte; Nabunturan, Davao de Oro; Hinunangan, Southern Leyte; City of Tandag, Surigao del Sur

Intensity III – San Fernando, Bukidnon; City of Digos, Davao del Sur; Abuyog, Leyte; City of Gingoog, Misamis Oriental; Malungon, Sarangani; Hinundayan, Silago, Southern Leyte; City of Surigao, Surigao del Norte; City of Bislig, Surigao del Sur

Dahil sa naranasang lindol, inaasahan ang pinsala at aftershock.