-- Advertisements --

Itinaas na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang heightened alert status sa lahat ng paliparan sa bansa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa Undas 2025.

Ang hakbang na ito ay mula sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez at alinsunod sa DOTr Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025, mula October 30 hanggang November 4.

May mga Malasakit Help Desks sa mga paliparan para tumulong sa mga pasahero. Nakahanda rin ang mga security at medical team para sa ligtas na pagbiyahe ng publiko.

Nakikipag-ugnayan ang CAAP sa PNP-Aviation Security Unit (AVSEU), Office of Transportation Security (OTS), Department of Tourism (DOT), Civil Aeronautics Board (CAB), at mga airline company para mapabilis ang check-in at boarding, lalo na sa mga malalaking paliparan.

Tinatayang 5.8 milyong pasahero ang bibiyahe ngayong taon, na 7 hanggang 10 porsyento na mas mataas kaysa noong 2024.

Paalala ng CAAP sa mga biyahero na maging handa, alerto, at sumunod sa mga panuntunan para sa ligtas na paglalakbay ngayong Undas.