Danuel House Rockets
-- Advertisements --

Nawakasan na rin ng Houston Rockets ang kamalasan na 15 games na sunod-sunod na talo matapos pahiyain ang isa sa NBA top team na Chicago Bulls, 119-113.

Ang kulelat na Rockets ay meron pa lamang 2-16 record habang ang Bulls ay hawak ang 12-7 kartada.

Sumandal ang Thunder kay Danuel House Jr. gamit ang 18 points at si Christian Wood na nag-ambag ng 16 points at 10 rebounds.

Ang Fil-Am at kanilang seecond overall pick na si Jalen Green ay naitala ang 11 points sa first quarter at hindi na natapos ang game bunsod ng leg injury.

Uminit ng husto ang Thunder nang magtala ng 50% sa mga tira nila sa field kung saan nagawang maiapsok ang 17 sa 36 sa 3-pointers.

-- Advertisement --

Sa third quarter lamang ay umulan na ng walo sa 11 tita sa 3-point area.

Samantala nanguna naman sa Bulls si Zach LaVine na may 28 points, habang sina Lonzo Ball ay nagpakita ng 19 points, at si DeMar DeRozan ay kumamada ng 17 points at seven assists.