-- Advertisements --

Bigo pa ring maglista sa winning column ang Washington Wizards matapos na matikman ang ikaapat na sunod na talo na ibinigay sa kanila ng Chicago Bulls, 115-107.

Para naman sa Chicago, ito na ang una nilang panalo sa apat na laro.

Nanguna sa diskarte ng Bulls si Zach LaVine na umiskor ng 23 points, pati na ang nine straight sa third quarter, habang si Coby White naman ay nagdagdag ng 18.

chicago bulls

Para naman sa Wizards, bokya pa rin ito dahil sa kanilang ikaapat na talo.

Nasayang ang ikatlong third straight triple-double ni Russell Westbrook nang magpakita ito ng 21 points, 15 rebounds at 11 assists.

Hindi rin umubra ang 29 points ni Bradley Beal at ni Davis Bertans na nagdagdag ng 20.

Sa Biyernes muling magbabanggaan ang magkaribal na Bulls at Wizards na gagawin pa rin sa Washington.