Muling nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon ngayong araw ng Lunes, Oktubre 20.
Base monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naobserbahan ang naturang aktibidad sa bulkan sa loob ng 10 minuto mula alas-7:28 ng umaga hanggang alas-7 38 ng umaga.
Ang naturang event ay nag-generate ng kulay abong plumes na umabot ng 300 metro ang taas bago napadpad sa kanlurang direksiyon.
Matatandaan, isang linggo lang ang nakakalipas mula noong Oktubre 12, nakapagtala rin ng ash emission sa bulkang Kanlaon ng mas matagal na umabot ng 30 minuto.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang alerto sa bulkang Kanlaon, nangangahulugan na mayroong posibilidad ng pag-alburuto ng bulkan, biglaang steam-driven o phreatic eruptions.
Sa ilalim ng Alert Level 2, patuloy na ipinapaalalang ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone at pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.