-- Advertisements --

Aabot sa kabuuan na 127 low-magnitude earthquakes ang ipinamalas ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon sa nakalipas na buong magdamag.

Ito ay matapos na maitala ang isang phreatic or steam-driven eruptions noong nakalipas na buwan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang naturang bulkan.

Sa nakalipas rin na magdamag ay nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na aabot sa 809 tons kada araw.

Naglabas rin ito ng plume na tinatayang may taas na umabot sa 150 meters habang patuloy na namamaga ang bunganga nito.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng ahensya na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone at pagpapalipad ng mga sasakyang pamhimpapawid malapit sa bulkan.