-- Advertisements --

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos sa mga concerned government agencies na mabigyan kaagad ng tulong ang ating mga kababayan na naapektuhan sa pag-alburuto ng Bulkang Bulusan Volcano.

Ayon kay Palace Press Officer USec, Claire Castro kaagad nagtungo sa Sorsogon si DSWD Seceretary Rex Gatchalian upang personal na i-assess ang sitwasyon ng ating mga kababayan.

Sa ngayon naka preposition na ang mga food packs at nagkaroon rin ng mobile kitchen sa Barangay Tughan, Juban, Sorsogon.

Nagsagawa na rin ng aerial reconnaissance sa lugar ang provincial government upang mabatid ang lawak ng pag-aalburuto ng bulkan.

Siniguro naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD na bukod sa mga family food packs at mobile kitchen may sapat na pondo ang ahensiya para tugunan ang iba pang pangangailangan.