-- Advertisements --

Gumuho sa air strike ng Israel ang isang 13-palapag ba building kung saan nananatili ang Qatar-based Al Jazeera television at American news agency na The Associated Press sa Gaza Strip.

Sa isang tweet, sinabi ng Al Jazeera na gumuho ang Jala Tower sa Gaza Strip dahil sa air strike na ginawa ng Israel.

Nagawa pang maipakita ng Al Jazeera sa kanilang programa ang footage nang pagguho ng Jala Tover.

Sinabi ni Jawad Mehdi, may-ari ng Jala Tower, na binalaan na siya ng intelligence officer ng Israel na mayroon lamang silang isang oras para matiyak na nakalikas ang mga nasa building bago ito papaulanan ng rockets sa air strike. (AFP)