-- Advertisements --
Inaprubahan ng Senate Subcommittee on Finance ang panukalang P27.3 billion na panukalangh pondo ng Office of the President para sa 2026.
Humarap sa komite si Executive Secretary Lucas Bersamin para ipresenta ang panukalang pondo ng opisina ng pangulo para sa susunod na taon.
Hindi tumagal ang pagbusisi ng komite sa budget ng OP dahil sa nakagawiang interbranch courtesy.
Kabilang din sa inaprubahan ang panukalang pondo para sa Presidential Management Staff na nagkakahalaga ng P882.573 million.
Umapela naman si Senador Erwin Tulfo na dagdagan ang budget ng OP para sa cybersecurity bilang paghahanda at dagdag na seguridad sa gaganaping ASEAN summit 2026 na gaganapin sa Pilipinas.