-- Advertisements --

Umaasa pa rin ang Milwaukee Bucks na makakabalik sa kanilang laro si two-time NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo para mapalakas ang kanilang championship series bid kontra Phoenix Suns.

Magugunitang hindi nakalaro ang Greek star sa huling dalawang laro ng Bucks sa kanilang Eastern Conference finals kontra Atlanta Hawks.

Ito ay matapos na magtamo ng injury sa kanyang kaliwang tuhod sa game four.

Sa ngayon, sinabi ni Bucks coach Mike Budenholzer na araw-araw silang nakaabang sa improvement ni Antetokounmpo sa injury nito.

Una na ring umugong ang impormasyon na kung umabot sa Game 7 ang laro laban sa Hawks ay baka raw sana nakalaro si Giannis.

Bagay na hindi naman kinumpirma ng koponan.

Sa ngayong malaking tulong na may ilang araw ang pagitan bago magsimula ang NBA Finals sa Miyerkules.

Sinasabing ninanais ng mga players na maging dagdag nilang puwersa si Giannis kahit nag-step up ang ibang mga players lalo na sina Khris Middleton at Jrue Holiday upang punan ang pagkawala ng kanilang superstar.