-- Advertisements --
Hindi na tinapos pa ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo ang ikaapat na laro nila ng Miami Heat dahil sa right ankle sprain injury.
Natamo nito ng ma-foul siya ni Andre Iguodala ng mag-drive ito sa natitirang 10:18 ng second quarter kung saan isang panalo na lamang ang kailangan ng Heat para tapusin ang Eastern Conference semifinals nila.
Pansamantalang itinigil ang laro kung saan tinulungan siyang makalabas sa court ng kapatid na si Bucks guard Thanasis at George Hill.
Dahil sa pangyayari ay hindi na makakasama pa sa natitirang mga laro ang NBA Most-Valuable Player.