-- Advertisements --
Nagpakita ng kahandaan para sa bagong season ng NBA si Milwaukee Bucks star
Giannis Antetokounmpo.
Sinabi nito na kahit anong mga pagdaranan ng koponan ay handa pa rin nito idepensa ang kanilang titulo.
Dagdag pa ng two-time Most Valuable Player na kasama ang sakripisyo ng koponan na lalong nagpataas sa kanilang moral para madala sa kampeonato ang kanilang koponan.
Magugunitang nakapagtala si Antetokounmpo ng 50 points, 14 rebounds at limang blocked shots sa game six laban sa Phoenix Suns.