BTS
BTS/ IG POST

Nagtala ng panibagong record ang K-pop superstar na BTS dahil sa paglabas ng kanilang bagong album.

Umabot kasi sa mahigit 4 million ang nag-pre order bago pa lamang ilabas ang bago nilang album na “Map of the Soul 7”.

-- Advertisement --

Mula ng ilabas nila ang kanta nilang “ON” sa short-form video app na TikTok ay marami na ang nag-subscribe nito kung saan bahagyang nag-crash pa ito.

Ang BTS o Bangtan Sonyeondan na ang ibig sabihin ay Bulletproof Boy Scouts ay sumikat sa buong mundo na tanging K-pop group na nanguna sa mga music charts sa United States, Britain at ibang mga bansa.