-- Advertisements --
Inilabas na ng Kpop Group na BTS ang kanilang kauna-unahang live album na “Permission to Dance on Stage-Live”.
Laman ng album ang mga live performance ng grupo sa kanilang “Permission to Dance on Stage” tour mula 2021 hanggagn 2022.
Isinagawa ang concerts sa Seoul, Los Angeles at Las Vegas.
Ito ang kauna-unahang concert album ng grupo kung saan mayroon itong 22 na kanta.
Kasama ang mga hit songsna “Butter” , “Dynamite” at “Permission to Dance”.