-- Advertisements --

Kompleto na rin sa wakas ang tinaguriang Big Three ng Brooklyn Nets matapos mabuo na sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie.

Matagal din ang inantay ng team para maglaro sa ika-walong beses pa lamang na sama-sama ngayong season ang tatlo.

Sa unang bahagi ng first quarter medyo kalawangin pa ang teamwork pero sa huli gumana na rin ang mga tira para talunin ang Chicago Bulls, 105-91.

Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Nets (47-24) para patibayin pa ang kanilang ikalawang pwesto sa playoffs sa Eastern Conference.

Isang araw na lang ay magtatapos na kasi ang regular season upang simulan naman ang play-in round at NBA playoffs.

Si Irving ay umiskor ng 22 points, habang si Durant na medyo inalat ay nagkasya lang sa 12 at si Harden naman sa unang game niya makalipas ang higit isang buwan sa pagpapagaling sa injury ay nagtapos sa five points at seven assists.

Buti na lamang kumana sa puntos ang kanilang mga teammates na sina Jeff Green na may 19 at si Bruce Brown ay nagpakita ng 16.

Umaasa ang coach ng Nets na si Steve Nash na sa pagsabak nila sa playoffs ay u epekto na rin ang flawless game ng kanyang mga superstars.

Ang Bulls (30-41) naman ay eliminated na kahit sa play-in tournament.