-- Advertisements --

Bumuhos ang well-wishes ng mga world leaders para kay United Kingdom Prime Minister Boris Johnson kasunod nang paglala pa ng kaniyang kalagayan matapos itong ilipat sa Intensive Care Unit (ICU).

Nilinaw naman ni Cabinet Office minister Michael Gove na kahit mayroong oxygen support si Johnson ay hindi ito naka-ventilator.

Noong Marso 27 nang ianunsyo ng prime minister na positibo ito sa coronavirus at kaagad sumailalim sa self-isolation.

Itinakbo ito sa St. Thomas Hospital matapos hindi bumaba ang kaniyang lagnat. Nagpatuloy pa rin si Johnson sa kaniyang tungkulin bilang prime minister ng United Kingdom hanggang ilipat ito sa intensive care kagabi.

Inatasan naman ni Johnson si Foreign Secretary Dominic Raab na humalili muna sa kaniyang pwesto habang siya ay nagpapagaling.

“The focus of the government will continue to be on making sure that the prime minister’s direction, all the plans for making sure that we can defeat coronavirus and can pull the country through this challenge, will be taken forward,” ani Raab.

Umabot na sa 5,373 katao ang namatay sa UK dahil sa coronavirus.