-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi pa rin tukoy ng mga otoridad ang motibo sa pagbaril ng isang barangay tanod sa kanyang kapitbahay sa Barangay Calmay, Janiuay, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Jessie Camacho, habang ang suspekay si Tanod Federico Marbebe ng nasabing barangay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Raymond Dailan, imbestigador ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na sinaway ng suspek si Camacho dahil sa panggugulo.

Gayunman, hinabol ng biktima ang barangay tanod kaya kumuha ng 12-gauge homemade shotgun sa kanilang bahay at nauwi sa duelo.

Binaril ni Marbebe ang biktima sa tiyan at hindi na nakaganti pa hanggang sa tuluyang bawian ng buhay

Hindi naman narekober ng mga pulis ang armas na ginamit ng barangay tanod.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at haharap sa kaukulang kaso.