Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Kalaboso ang isang barangay kapitan matapos nitong barilin-patay ang kaniyang barangay kagawad sa Barangay Cambajanon, Alang-alang, Leyte.

Kinilala ang suspek na si Benjamin Padolion, 64, kapitan ng naturang barangay kasama ang mga anak nito na sina Arnel Padolion at hipag nito na si John Carlo Nazona.

Samantala kinilala naman ang biktima na si Avelino Parado, 55, isang barangay kagawad.

Ayon kay P/Capt Ambrosio Dimain, hepe ng Alang-alang PNP, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktima at papunta na sana sa isang tindahan ng bigla itong abangan ng mga suspek at pinagbabaril.

Sinasabing ang naturang kapitan ang tumawag sa istasyon ng kapulisan para magreport sa insidente at nanuro ng ibang tao na suspek sa naturang krimen.

Pero napag-alaman sa mga witness na mismong ang naturang kapitan at mga anak nito ang itinuturong responsable sa krimen.