TACLOBAN CITY – Sugatan ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin sa
Barangay Bunacan, San Isidro, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Edilberto Catalig Lubiano, 56, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Capt. Salvador Pacible, hepe ng San Isidro Police Station, na nakatambay ang naturang biktima sa labas ng kaniyang bahay nang bigla itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek.

Nagtamo naman ito ng tama sa kaniyang bandang balikat na kaagad na nadala sa pinakamalapit na Hospital

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang insidente.