-- Advertisements --

Patuloy na nadagdagan itong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayon ay 636 na dahil sa 84 na bagong nag-positibo.

Batay sa data ng Department of Health, nadagdagan din ang numero ng death toll na ngayon ay 38 na.

Kinilala ang tatlong binawian ng buhay na sina PH319, PH326 at PH29.

Parehong lalaki sina PH319 at PH326 na walang mga travel history at exposure sa positive case. Kapwa rin silang may cause of death na Community acquired-pneumonia at pre-existing condition na hypertension at diabetes.

Si PH29 naman ay isang 82-year old na babae mula Marikina na may travel history sa Amerika at known exposure sa infected patient.

Acute respiratory distress syndrome secondary to COVID-19 pneumonia, acute renal failure secondary to sepsis, at shock multifactorial ang kanyang cause of death.

Mayroon din syang iba pang comorbidities gaya ng altapresyon, diabetes mellitus at valvular heart disease.

Sa kabila nyan, may magandang balita pa rin dahil anim yung bagong nadagdag sa ating recoveries. Ang tatlo sa kanila may travel history sa ibang bansa at isa ang nagkaroon ng exposure sa positive case.

Kahapon na-discharge itong sina PH95 na 64-year old na babaeng residente ng Batangas, PH18 na lalaking 41-year old mula Pasig, PH82 na 66-year old male mula Quezon City at PH23 na 30-year old female mula San Juan.

Noong March 22 naman na-discharge si PH31. Siya ay isang lalaki na 28-year old; habang nung Lunes, March 23, nakalabas ng ospital si PH10 na lalaking 57-year old mula Quezon City.