Reading Time: 1 minute
Giannis Antetokounmpo 2
Giannis / IG post

Inaasahan umano ang mahigpit na pagtutuos mamaya sa second round ng FIBA World Cup sa pagitan ng defending champion Team USA at national team ng bansang Greece.

Aminado ang ilang players ng US na espesyal ang laban nila sa Greece dahil bahagi nito ang NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ng Bucks.

Para naman sa Greece, tatapatan daw nila ang mga NBA players ng Amerika.

Napakalaga rin ang laro ng Greece dahil kapag natalo pa sila ay tanggal na sila sa next round.

Una rito sa first round ng World Cup ay nasilat ng Brazil ang Greece.

brazil alex
Alex Garcia of Brazil

Inamin ng Team Brazil coach na si Aleksandar Petrovic, inabot siya ng anim na buwan sa pag-aaral kung papaano epektibong tatalunin at dedepensahan ang halos 7-footer na si Giannis.

Ginamit ng Brazil ang 39-anyos na si Alex Garcia, na walong pulgada na mas mababa, upang sirain ang mga diskarte ni Giannis.

Sa naturang laro ay nakapagtala lamang ng 13 points si Antetokounmpo para masilat sila sa score na 79-78.