ILOILO CITY – Ipapadala ng United Kingdom (UK) ang kanilang brand-new aircraft carrier na Her Majesty’s Ship (HMS) Queen Elizabeth sa West Philippine Sea.

Ayon kay Bombo International Correspondent Ramil Isogon direkta sa England, ang nasabing Pacific mission ay ang pinakaunang operational deployment ng warship ng Royal Navy ng UK.

Ang HMS Queen Elizabeth ay kayang magkarga ng hindi bababa sa labinwalong mga F-35B stealth fighters na isang fifth-generation fighter at pinakamoderno sa buong mundo.

Sasama rin anya ang Royal Navy at Royal Air Force sa paglayag sa West Philippine Sea para sa military exercises kasama ang U.S., France, Canada at Japan.