Kumita ng mahigit $24,000 o katumbas ng mahigit P1.2-milyon sa subastahan ang boxing trunks na sinuot ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nito kontra kay Keith Thurman.

Isinubasta ang nasabing boxing shorts bilang suporta sa charity works sa pamumuno ng American TV host na si Jimmy Kimmel.

Ilalalan ang nalikom na pera para sa mga may sakit ng Amyotrophic lateral sclerosis (ALS).

Bago ang laban kay Thurman, nakapanayam ni Kimmel si Pacquiao at nangako itong isusubasta ang kanyang shorts bilang tulong para sa charity program ng TV personality.