Sinupalpal na ni dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang mga nang-aakusang sangkot siya sa illegal drugs trade.

Sa kanyang pagharap sa media sa Agusan del Sur, ipinakita ni Bong Go ang kanyang likod para patunayang wala siyang tattoo sa katawan taliwas sa paratang ng mga nag-aakusa sa kanyang mayroon siyang tatak ng sindikato ng illegal drugs.

Ayon kay Go, kailanman ay hindi siya nasangkot sa iligal na gawain lalo na at galit sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drugs.

Binigyang-diin ni former SAP Bong na malabong masangkot siya sa iligal na droga dahil halos makipagpatayan pa aniya sila ni Pangulong Duterte para lang malinis ang buong bansa mula sa drogang sumisira sa buhay ng mga nalululong dito.