ILOILO CITY – Kinilala ng Office of the Civil Defense ang Bombo Radyo Philippines sa naging ambag nito sa Disaster Management at Humanitarian Assistance.
Sa ginanap na 21st Gawad KALASAG Regional Awarding Ceremony 2019, isa ang Bombo Radyo Philippines sa mga nakatanggap ng pagkilala dahil sa hindi matatawarang suporta sa mga aktibidad, programa at proyekto ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council at Office of the Civil Defense upang makamit ang Disaster-Resilient Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Assistant Sec. Kristoffer James Purisima, Deputy Administrator for Administration ng Office of the Civil Defense 6, sinabi nito na ang Gawad KALASAG award ang isang pagkilala at pasasalamat sa mga stakeholder na may malaking ambag sa komunidad lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Purisima, maliban sa media, kinilala rin ang mga indibidwal, Local Government Unit, eskwelahan, organisasyon at hospital na may adbokasiya upang makamit ng gobyerno ang Disaster Resilience.