Meralco Bolts
Bolts/ FB post

Nakuha ng Meralco Bolts ang dalawang sunod na panalo laban sa Phoenix Pulse 101-95.

Naging bida sa panalo ang import nila na si Gani Lawal na nagtala ng 28 points, 26 rebounds at tatlong blocks.

Nag-ambag naman ng 20 points si Baser Amer habang 18 points si Chris Newsome.

Sinamantala ng Bolts ang kawalan ni Calvin Abueva na pinatawan ng indefinite suspension habang si Pulse coach ay Louie Alas ay suspendido ng dalawang laro.

Dahil sa panalo ay mayroon ng tatlong panalo at dalawang talo ang Bolts.