Meralco Bolts
Meralco Bolts/ PBA image

Tinambakan ng Meralco Bolts ang Barangay Ginebra 101-77 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Pinangunahan ni Allen Durham ang panalo ng Bolts na nagtala ng 39 points at 12 rebounds.

Mula sa unang quarter ay hawak na ng Bolts ang kalamangan kung saan umabot pa sa 28 points ang kanilang kalamangan.

Aminado si Bolts coach Norman Black na tila minaliit sila subalit hindi nagpaapekto dito sa Durham.