-- Advertisements --

Nakuha ng Meralco Bolts ang dalawang sunod na panalo ng talunin ang NLEX 101-92 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Nagsama ang lakas nina Chris Newsome na nagtala ng 18 points at Allein Maliksi na mayroong 17 points habang mayroong tig-11 points sina Baser Amer at Raymond Almazan.

Pinasalamatan naman ni Bolts coach Norman Black ang kaniyang mga players sa ipinakita nilang team work para magwagi.

Umangat na sa 3-2 (win-loss) ang Bolts habang mayroong isang panalo at apat na talo ang NLEX.

Nasayang naman ang ginawang 30 points ni Kiefer Ravena para sa NLEX.