-- Advertisements --
Meralco Bolts
Meralco Bolts/ PBA image

Pasok na sa semifinals ng PBA Governors’ Cup ang Meralco Bolts matapos ilampaso ang Alaska Aces 94-84.

Bumida sa panalo si Allen Durham na nagtala ng 28 points habang mayroong 23 points si Allein Maliksi at 17 points si Chris Newsome.

Mula sa simula ay hindi na pinalamang pa ng Bolts ang Aces kung saan umabot pa sa 22 points ang naging kalamangang ng Bolts.

Sinabi naman ni Bolts coach Norman Black na kahit kontrol nila ang laban ay naging malakas pa rin ang Aces.

Nasayang naman ang ginawang 20 points ni JVee Casio at 16 points naman ni Simon Enciso ng Aces.

Susunod na makakaharap ng Bolts ang sinumang manalo sa TnT KaTropa at Magnolia para sa best of five semifinals.