Nagsimula na sa House of Representatives ang plenary deliberations para sa panukalang P7.2-trilyong national budget para sa 2027.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman at Nueva Ecija 1st District Representative Mikaela Suansing, dapat tumugon ang General Appropriations Act sa pangangailangan at prayoridad ng bawat Pilipino, lalo na sa gitna ng mabagal na economic growth, inflation, at tumataas na utang ng bansa.
Pinakamalaki ang alokasyon para sa edukasyon na P1.326 trilyon. P353.76 bilyon naman ang nakalaan para sa kalusugan, habang P241.56 bilyon ang para sa social protection programs ng DSWD.
Samantala, P276.57 bilyon ang inilaan para sa agrikultura at agrarian development upang palakasin ang food security at suportahan ang mga magsasaka.
Iginiit ni Suansing na daraan sa masusing pagsusuri ang mga alokasyon para matiyak ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo.
Aniya, ang 2027 national budget ay hindi lamang listahan ng mga numero, kundi isang “covenant of accountability” para sa mas maayos na serbisyo at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
















