Reading Time: 1 minute
Meralco Bolts
Bolts/ FB post

Ginulat ng Meralco Bolts ang San Miguel Beermen 95-91 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Dinala ng kanilang import na si Delroy James ang Bolts na nagtala ng 34 points para pigilan ang limang sunod na pagkatalo ng Bolts.

Dahil sa panalo ay mayroon ng 4-7 win-loss record ang Bolts na katabla nila ang Alaska Aces at Phoenix Pulse.

Nagdagdag naman ng 20 points si Chris Newsome habang mayroong 15 points si Raymond Almazan.

Labis ang kasiyahan ni Bolts coach Norman Black dahil kailangan nila ang nasabing panalo para manatili sa labanan.

Nasayang naman ang ginawang 27 points at 16 rebounds ni Beermen import Chris McCollough ganun din ang ginawang 27 points, 13 rebounds ni JuneMar Fajardo.