Binigo ng Meralco Bolts ang Rain or Shine 91-84 sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Gani Lawal na nagtala ng 19 points, 12 rebounds habang mayroong 17 points at anim na assists si Anjo Caram.

Sinabi naman ni Bolts coach Norman Black na dumaan sila sa matinding pagsubok para madala ang panalo kontra Elasto Painters.

Dahil sa panalo ay mayroon na ngayon ang Bolts na dalawang panalo at dalawang talo.