-- Advertisements --

Kumpyansang umano ang mga navy drivers na mari-retrieve nila ang dalawang flight recorders sa bumagsak na pampasaherong eroplano sa Indonesia sa tulong ng mga narekober na black boxes.

Magugunita na biglang nawala sa radar ang Sriwijaya Air Boeing 737 noong Sabado na patungo sana sa Borneo. Lulan ng naturang eroplano ang 62 katao kung saan 12 ang crew members habang 50 naman ang pasahero kasama na ang pitong bata.

Sa pamamagitan ng flight data recorder at cockpit voice recorder o tinatawag din na black boxes, ay malalaman ng mga imbestigador kung ano ang tunay na nangyari sa eroplano bago ito bumagsak sa karagatan.

Kasalukuyan na ring ina-analyze ng mga otoridad ang iba pang parte ng eroplano na kanilang nakuha mula sa dagat kung saan ito bumagsak.