-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Kakasuhan ng reckless imprudence resulting into homicide at damage to property ang truck driver na dahilan pagkamatay ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Purok 21 Brgy Poblacion, Manticao,Misamis Oriental.

Ito ay matapos nagresulta ng agaran na pagkasawi ng biktima na Jail Capt Marlon Castello,nasa legal na edad na warden ng Iligan City BJMP nitong rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Manticao Police Station commander Capt Renz Serrano na kapwa mabilis ang takbo ng truck na minaneho ni Allan Campanion na taga- Lanao del Norte at Castello na biglang nagresulta ng madugo na aksidente.

Inihayag ni Serrano na mula Cagayan de Oro City ang convoy ng biktima pabalik Iligan City nang pinilit mag-overtake kaya kinain nito ang lane na binaybay ng truck dahilan na malakas ang impact ng road crashed.

Agad nasawi Castello habang sumuko naman sa pulisya si Campanion para kaharapin ang kasong ihahain ng BJMP laban sa kanya dahil sa pangyayari.

-- Advertisement --

Magugunitang ang pinangyarihan ay matagal nang inituring na accident prone area kung saan sobra dami na ng mga sasakyan ang sumimplang o nadisgrasya sa nabanggit na bahagi ng Misamis Oriental.