Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagpanaw kaninang hapon lamang ni Elizabeth Gokongwei, isang linggo makaraang bawian ng buhay ang asawa nitong si John Gokongwei Jr. sa edad na 85.

Ito ay ayon sa anunsyo ng anak nila na si Lance.

“Our mother, Elizabeth Yu Gokongwei, passed away peacefully on Saturday, November 16, 2019, one week after the death of our father, John Gokongwei, Jr., her husband of 61 years,” pahayag ng pamilya.

Isang pribadong burol umano ang isasagawa para kay Elizabeth.

Matatandaang nito lamang Nobyembre 9 nang mamayapa si John Gokongwei Jr. sa edad na 93.