-- Advertisements --

Lalo pang humina ang bagyong Bising habang papalayo sa ating bansa.

Huli itong namataan sa layong 945 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 125 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis lamang na 10 kph.