VIGAN CITY – Naimpluwensiyahan umano ng mga napapanuod sa internet na porn videos ang isang 15-anyos na lalaki na itinuturong gumahasa sa dalawang 7-anyos na babae sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ito ang kinumpirma mismo ng ina ng suspek sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Vigan.

Napag-alaman na gabi-gabi umano sa computer shop na malapit sa kanilang bahay ang suspek kung saan ang idinadahilan nito sa kaniyang ina ay gumagamit lamang siya ng social media.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na umano ang kapitan ng barangay kung saan nakatira ang suspek at ang mga biktima para sa lalong madaling panahon ay maipasara na ang nasabing computer shop upang wala nang iba pang menor de edad na maimpluwensiyahan sa mga videos na napapanuod nila sa internet.

Sa ngayon, desidido ang pamilya ng mga biktima na makasuhan ang suspek nang sa gayon ay maturuan ito ng leksiyon at magsilbing aral sa mga ka-edad nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here