-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang binata matapos na mahulog sa irrigation canal ang kinalululanan nitong motorsiklo sa Purok 6, Barangay Cabulay, Santiago City.

Ang nasawi ay si Christian Dave Agonoy, 19 anyos, estudyante at residente ng Barangay Cabulay, Santiago City habang ang tsuper ng motorsiklo na nasugatan ay si John Paul Florentino, 20 anyos, binata, estudyante at residente ng Barangay Abra, Santiago City

Sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng Santiago City Police Office Traffic Group Unit, binabagtas ng motorsiklo ang Blanco St patungong Cabulay Road nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay bigla na lamang dumiretso ang motorsiklo dahilan upang mahulog sa irrigation canal.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga kasapi ng SCPO traffic Group Unit at ang Rescue 1021 kaya agad na nadala sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) si Florentino.

Naitakbo pa sa pagamutan si Agonoy subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Positibo naman sa nakalalasing na inumin si Florentino maging ang nasawing si Agonoy.