LPA March 9
-- Advertisements --

Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).

Huli itong namataan sa layong 1,015 km sa silangan timog silangan ng Davao City, Davao del Sur.

Inaalerto naman ang mga residente ng Caraga, Davao Region, Misamis Oriental, Bukidnon at North Cotabato, dahil sa ulang dala ng LPA extension.

Sa ngayon, maliit ang tyansa ng namumuong sama ng panahon upang mabuo bilang ganap na bagyo.