-- Advertisements --
Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang madagdagan pa ngayong weekend ang listahan dahil sa lumabas na resulta para sa dalawang pasyenteng sinuri.
Isa sa mga nagpositibo sa virus ay 52-anyos na lalaki, habang ang isa pa ay 34-anyos na babae.
Kapwa naka-assign ang mga ito sa Metro Manila nang dapuan ng sakit.
Samantala, nasa 257 iba pa ang nagpakita ng sintomas ng virus, ngunit kailangan pang sumailalim sa pagsusuri.
Habang may 1,339 personnel naman ang hiwalay na inoobserbahan.
Umaabot naman sa 1,789 ang nakatapos na ng home quarantine at nagnegatibo na sa coronavirus infection.