-- Advertisements --

Tumaas ng 294 percent ang bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nadapuan ng COVID-19 ngayong buwan.

Mula noong Marso 1 ay mayroon ng 444 na PNP members ang nagpositibo sa nasabing virus.

Dahil dito ay mayroon ng kabuuang 1,750 na mga kapulisan na ang nadapuan ng virus.

Sinabi ni PNP deputy chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar na ito ay all-time high.

Nitong Marso 25 lamang ay mayroon ng 171 na pulis ang nagpositibo sa virus sa loob ng isang araw lamang.

Sa 1,750 na bilang, 588 dito ang nakatalaga sa Camp Crame at sa mga kapulisan sa ilalim ng National Capital Region Police Office.

Patuloy din ang ginagawang hakbang ng PNP para maiwasan ang hawaan ng virus gaya ng pagkansela ng kanilang daily workouts at pag-suspendi ng command activities.