Bumaba sa P1.95 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sa isang pulong balitaan ngayong Miyerkules, Agosto 6, iniulat ni Deputy National Statistician at PSA ASec. Divina Gracia Del Prado na ito ay katumbas ng 3.7% na unemployment rate o 37 sa bawat 1,000 Pilipino ang walang trabaho o negosyo.
Nabawasan ang bilang ng walang trabaho ng 86,000 mula Mayo hanggang Hunyo 2025.
Matatandaan noong Mayo 2025, nakapagtala ng 2.03 milyong Pilipino na walang trabaho habang 1.62 million naman sa parehong buwan ng Hunyo noong nakalipas na taon.
Ipinaliwanag naman ng PSA official na ang pangunahing dahilan ng malaking bilang pa rin ng walang trabaho sa bansa base sa year-on-year ay dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng trabaho na nasa 334,000 ang nadagdag.
Gayundin mayroon aniyang nagaantay na ma-rehire sa trabaho na nadagdagan ng 53,000.
Ipinaliwanag din ni Asec. Del Prado ang mga dahilan sa likod ng pagbaba ng walang trabaho mula Mayo hanggang Hunyo.