-- Advertisements --

Pumalo na sa halos 70 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na namatay dahil sa Coronavirus disese 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabuuang 68 na ngayon ang namatay na mga Pinoy sa ibayong dagat dahil pa rin sa naturang virus.

Sa pinakahuling update ng DFA ngayong araw, nasa 594 na ring mga Pinoy na nasa iba’t ibang panig ng mundo ang tinamaan ng COVID-19.

Karamihan pa rin sa mga nag-positibo ay galing naitala sa Asia Pacific Region na may 225 cases.

Nasa 199 na kaso naman sa Europa, 62 sa Middle East at Africa, at 108 sa America.

Nasa 362 naman ang sumasailalim sa treatment, habang 164 ang recovered o discharged o nakalabas na ng ospital.