-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga nagpatala ng bagong pangalan ng negosyo sa unang 10 buwan ng taon.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na isa sa mga dahilan dito ay ang hindi magandang panahon na nakakasira ng paggalaw ng ekonomiya.

Base kasi sa datos ng DTI na mayroong 925,555 business names ang nairehistro sa ahensiya sa loob ng 10-buwan ng 2025.

Mas mababa ito kumpara sa 973,445 na business names na nagpalista sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Sa kabuuan ay mayroong bagong 800,278 sa listahan habang 125,277 ay mga renewals.

Nanguna naman ang CALABARZON na mayroong maraming bilang ng mga business names na nagpatala sa unang 10 buwan ng taon.