Umakyat na sa 4,634 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamarami sa nasawi ay mula sa China (3,169), sinusundan ng Italy na may 827 at pangatlo ang Iran na may 354.

Sa kabuuan, umabot na sa 126,380 ang mga infected ng nasabing virus.

Nasa 47,732 (89%) sa mga ito ay mild condition, habang 5,707 (11%) naman ay serious o critical condition.

Samantala, naka-recover naman ang 68,307 na una nang nagpositibo sa COVID-19.