-- Advertisements --

Itinuturing na isa sa pinakamalaking upset sa kasaysayan ng World Cup ang pagkatalo ng top team na Argentina sa Saudi Arabia.

Tinalo kasi ng Saudi Arabia ang Argentina sa unang laro nila sa Group C sa score na 2-1 sa laro na ginanap sa Lusail stadium.

Hindi lubos maisip ng mga football fans na matalo ng ranked naumber 51 na Saudi Arabia ang ranked number 3 na Argentina sa Fifa ranking.

Hawak ng Argentina ang unang kalamangan ng maipasok ng kanilang superstar na si Leonel Messi ang goal sa unang 10 minuto.

Subalit hindi bumitiw ang Saudi Arabia at nagtala ng goal si Saleh Al Shehri.
Matapos ang limang minuto ay pumasok ang goal ni Salem Al Dawsari.