-- Advertisements --

Inatasan na ni US President Joe Biden ang kaniyang military commanders na habulin ang mga ISIS-K na nasa likod ng dalawang magkasumod na pambobomba sa Kabul airport na ikinasawi ng 60 katao kasama na ang 13 sundalo ng Amerika.

Hindi naman nito binanggit kung kailan ang nasabing pagsasagawa sa pagresbak sa mga ISIS.

Pagtitiyak nito na kanilang hahabulin ang mga ISIS group.

Kahit na nagkaroon aniya ng pagsabog ay tuloy pa rin ang ginagawa nilang paglikas sa mga mamamayan nila mula sa Afghanistan hanggang sa August 31 para matapos na ang 20-taon na giyera doon.

Paglilinaw din ng US president na kahit na marami ang hindi naniniwala sa mga Taliban ay hindi aniya pagkakamali na sila ang asahan para magbigay ng seguridad sa kapaligiran ng paliparan.