-- Advertisements --

Nakatakdang ianunsiyo ni US President Joe Biden ang ibang detalye sa plano nitong pagbibigay ng 80 milyong coronavirus vaccine doses para sa ibang bansa.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na gagawin nito ang pamamahagi ng mga bakuna sa pakikipagtulungan sa COVAX Facility ang global vaccine sharing program.

Magugunitang inanunsiyo ni Biden ang pamamahagi niya ng mga bakuna sa mga mahihirap na bansa at tiniyak na walang anumang kapalit.

Nais din nito ipakita na nangunguna ang US sa mga bansa na lumalaban sa COVID-19.