-- Advertisements --

Nagpapatuloy ang paghahanda ng LGU Manila para sa mapayapang rally ng Iglesia Ni Cristo sa Nobyembre 16-18.

Nakatutok ang lokal na pamahalaan sa pagtulong sa trapiko, pagbibigay ng police assistance, at medical support sa paligid ng Rizal Park.

Kabilang sa paghahanda, Kinansela rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila, at inatasan ang mga itong gumamit ng Alternative Delivery Mode (ADM).

Samantala, ilang grupo naman ang pumuna sa isasagawang rally na anilay mayroong halong pulitika.

Nagpapakita umano ito ng political power ng mga Duterte laban kay Pangulong Marcos Jr., at bahagi ng pagtaya ng INC sa posibleng kandidatura ni VP Sara Duterte sa 2028.